Luzon Grid isinailalim sa Yellow Alert ng NGCP

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2020 - 10:30 AM

Nagtaas ng yellow alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon Grid.

Ito ay bunsod ng manipis na reserba ng kuryente sa Luzon ngayong araw ng Huwebes, Jan. 16.

Sa abiso ng NGCP, ang yellow alert ay nagsimulang umiral alas 10:01 ng umaga hanggang alas 11:00 ng umaga.

Muli itong iiral ala 1:01 hanggang alas 4:00 ng hapon at alas 5:01 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Ang manipis na reserba ng kuryente sa Luzon ay dahil sa naranasang pagpalya ng ilang mga plantang kuryente.

TAGS: Inquirer News, luzon grid, News in the Philippines, ngcp, PH news, Philippine breaking news, power reserve, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Yellow Alert, Inquirer News, luzon grid, News in the Philippines, ngcp, PH news, Philippine breaking news, power reserve, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.