Halaga ng tulong na naibigay sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal halos P4 na milyon na
Umakyat na sa P3.99 million ang halaga ng tulong na naipagkaloob ng pamahalaan sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, mayroon pang mahigit 57,000 na katao ang nasa mga evacuation center.
Karamihan sa mga apektadong indbidwal ay mula sa lalawigan ng Batangas kung saan maraming bayan ang labis na naapektuhan ng pagputok ng bulkan.
Kabilang sa mga naipagkaloob na utlong ay ang mahigit 7,00 family food packs na may lamang bigas, de lata, kape at noodles.
Mahigit anim na libong ready-to-eat food at mahigit 3,500 na plastic mats.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.