Manila Cathedral tutulungan ang mga magkasintahan na naapektuhan ang schedule ng kasal dahil sa pagputok ng Bulkang Taal

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2020 - 09:34 AM

Hindi na dapat malungkot ang mga magkasintahan na ang schedule ng kasal ay apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Binuksan kasi ng pamunuan ng Manila Cathedral ang opisina nito para sa mga mayroong naka-schedule na kasal sa mga simbahan sa Cavite at Batangas na apektado ng ashfall.

Ayon sa abiso, ang mga mayroong naka-schedule na kasal ng Enero at Pebrero 2020 sa mga apektadong simbahan sa Batangas at Cavite ay handa ang tangapan ng Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila na sila ay tulungan.

Kailangan lamang personal na magtungo sa Manila Cathedral office mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon ng Martes hanggang Sabado.

TAGS: ashfall, Batangas, cavite, Inquirer News, manila cathedral, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, wedding, ashfall, Batangas, cavite, Inquirer News, manila cathedral, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, wedding

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.