Panibagong kaso ng ASF naitala sa Tarlac

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2020 - 09:05 AM

Nakapagtala ng mga bagong kaso ng African Swine Fever sa apat na bayan sa Tarlac.

Ayon kay Tarlac Gov. Susan Yap, mayroong mga alagang baboy na nagpositibo sa ASF sa Victoria, Capas, Concepcion at La Paz.

Sinabi ni Yap na isinailalim sa confirmatory test ng regional animal disease diagnostic laboratory ang kinuhang blood samples mula sa mga baboy at nagpositibo ito sa ASF.

Ayon kay Dr. Ma. Lorna Baculanta, provincial veterinarian, hiniling na niya sa agriculture officers na ipatupad ang “1-7-10” quarantine protocol.

Ang mga alagang baboy na nasa loob ng 1-kilometer radius ng apektadong lugar ay kakatayin na kahit ang mga baboy ay walang ASF.

Ang mga nasa loob ng 7-km radius ay isasailalim sa surveillance habang ang nasa loob ng 10-km radius ay sasailalim sa mandatory monitoring.

TAGS: African Swine Fever, capas, concepcion, Inquirer News, la paz, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tarlac, Victoria, African Swine Fever, capas, concepcion, Inquirer News, la paz, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tarlac, Victoria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.