Bilang ng mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal umakyat na sa mahigit 120,000

Mahigit 120,000 katao na ang apektado ng pagputok ng Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.

Ayon latest na datos mula sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO), umabot na sa 121,455 na katao ang naitalang apektado o katumbas ng 26,294 na pamilya.

Patuloy ang pagtanggap ng donasyon ng Batangas Provincial Government para s amga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Para sa mga nais mabigay ng donasyon, maari itong dalhin sa Batangas PDRRM Office sa Provincial Sports Complex sa Barangay Bolbok, Batangas City.

Maari ding tumawag sa sumusunod na numero:

• 09283443055
• 09153104230
• 09428071853
• 0437068870

Read more...