Tauhan ng PSG sugatan sa aksidente sa Maynila

GuanzoSugatan ang isang tauhan ng Presidential Security Group matapos maaksidente habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa bahagi ng Otis sa Paco Maynila.

Ayon kay Richard Molina, traffic constable ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nasugatan si Technical Sgt. Rexaber Montalban matapos bumangga sa isang taxi ang minamaneho niyang motorsiklo.

Sakay noon ni Montalban ang dalawa niyang anak na hindi naman nasaktan sa aksidente.

Ayon kay Wilfredo Casaysay, driver ng taxi, nag-menor siya sa kanto dahil may van na biglang nag-cut sa kaniya.

Gayunman, hindi agad nakapreno si Montalban kaya bumangga siya sa likuran ng taxi.

Nagtamo ng sugat sa paa si Montalban na dinala sa ospital.

Bagaman hindi nasugatan ang mga anak ni Montalban, kasama rin silang dinala sa PSG station hospital upang masuri.

Read more...