VIRAL: Magkakaibigan nag-Tala Dance habang naglilinis ng abo sa kanilang bubungan sa Cavite

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2020 - 07:30 AM

Viral sa social media ang video ng tatlong lalaki na kumasa sa “Tala Dance Challenge” habang nasa bubungan ng kanilang bahay sa Silang Cavite.

Naglilinis ng abo na bumagsak sa kanilang bubong dulot ng pagputok ng Bulkang Taal ang mga lalaki habang mayroong babaeng nagvi-videoke at kumakantang “Tala”.

Sa halip na magpaka-stress sa paglilinis ng kanilang bubungan ay kumasa sa Tala Dance Challenge sina Rince, Toto at Jepoy.

As of alas 7:00 ng umaga ng Huwebes (Jan. 16) ang video ay mayroon nang 11,000 shares sa Facebook.

TAGS: ashfall, Inquirer News, Mt Taal, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, silang cavite, Tagalog breaking news, tagalog news website, tala dance craze, ashfall, Inquirer News, Mt Taal, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, silang cavite, Tagalog breaking news, tagalog news website, tala dance craze

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.