Truck nasunog sa Roxas Boulevard sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2020 - 05:43 AM

(UPDATE) Isang truck ang nagliyab sa bahagi ng Roxas Boulevad sa Maynila.

Binabaybay ng truck ang kalsada malapit lamang sa Bangko Sentral ng Pilipinas nang bigla itong umusok at tuluyan nang mag-apoy.

Ayon sa mga nakasaksi, nakarinig sila ng dalawang pagsabog mula sa truck.

Sunog na sunog ang unahang bahagi ng truck at hindi na mapapakinabangan pa.

Ligtas naman ang driver ng truck na si Joel Ronquillo at pahinante nitong si Jonathan Manalo.

Ayon kay Ronquillo, nagulat na lang siya nang makitang biglang sumagad ang RPM guage ng sasakyan at sumabog na ang gulong nito.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na niya nagawang patayin ang makina ng truck.

Nagdulot ng perwisyo sa bahaging iyon ng Roxas Boulevard ang nasunog na truck na hindi agad naialis sa lugar.

TAGS: Maynila, nasunog, roxas boulevard, truck, Maynila, nasunog, roxas boulevard, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.