Mag-iina patay sa sunog sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2020 - 05:33 AM

(UPDATE) Umakyat na sa lima ang bilang ng nasawi sa sunog na naganap sa Yuseco Compound sa Tondo, Maynila,

Ayon sa Manila Fire Bureau, kabilang sa nasawi ang 36 anyos na ginang, at ang tatlo niyang anak na edad 8, 9 at 10.

Na-trap umano sa loob ng kanilang bahay ang mag-iina.

Pasado alas 7:00 ng umaga nang may ma-recover pang isang bangkay sa loob ng isa sa mga bahay na nasunog.

Nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Evangeline Lutero.

Inaalam pa kung ano ang naging dahilan ng pagsiklab ng apoy.

TAGS: 3 dead, fire incident, Inquirer News, manila fire, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tondo Manila, 3 dead, fire incident, Inquirer News, manila fire, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.