Indonesian na dinukot ng Abu Sayyaf, nailigtas

By Erwin Aguilon January 15, 2020 - 09:49 PM

Nailigtas ng militar ang isang Indonesian national na dinukot ng Abu Sayaff Group (ASG) sa bisinidad ng Barangay Bato-Bato, Indanan, Sulu.

Nakilala ang nailigtas na bihag na si Muhammad Farhan.

Nabatid na nagsagawa ng special intelligence operation ang mga tauhan ng Intelligence Task Group-CALDER ng militar na nagresulta sa pagkakaligtas sa biktima.

Kaagad dinala ang nailigtas na Indonesian national sa Camp Teodolfo Bautista Hospital sa Jolo, Sulu upang ito ay masuri.

Si Farhan kasama ang dalawa pa ay dinukot ng mga hinihinalang ASG sa Lahad Datu, Sabah, Malaysia noong September 23, 2019.

Nauna nang nailigtas ng militar ang mga kasama nito na sina Maharudin Lunani at Samion Bin Maniue noong Disyembre ng nakalipas na taon.

TAGS: Abu Sayaff Group, indanan, Muhammad Farhan, Sulu, Abu Sayaff Group, indanan, Muhammad Farhan, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.