PNP, tutulong na rin sa pagbabantay para walang makapasok sa Taal Island

By Jong Manlapaz January 15, 2020 - 05:19 PM

INQUIRER FILE PHOTO | EDWIN BACASMAS

Pinatutulong na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) para magbantay sa mga nais pumasok sa Taal Volcano Island.

Base sa kautusan ni Interior Secretary Eduardo Año sa PNP, pigilan ang sinumang magtatangkang pumasok sa island kahit pa ang layunin ay iligtas ang kanilang mga alagang hayop tulad ng mga kabayo at baka.

Ang kautusan ni Año sa PNP ay kasunod na umiiral na Alert Level 4 sa Taal Volcano.

Ibig-sabihin ay posible ang hazardous explosive eruption anumang oras o araw.

Una nang umapela ang People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) na i- rescue ang mga hayop na naiwan sa island.

Pero ayon sa kalihim, depende sa sitwasyon at sa koordinasyon sa mga local disaster authorities kung pagbibigyan ang PETA na makapag-rescue ng naiwang mga hayop.

Tanging hayop lamang na nasa labas ng 14-kilometer high-risk area mula sa Taal main crater ang pwedeng i-rescue.

Sa kabila nito, nagpadala na rin ang PETA ng mga rescuer sa evacuation areas para bigyan ng pagkain, tubig at mga veterinary care ang mga aso at pusa na bitbit o inabandona.

TAGS: PETA, PNP, Sec. Eduardo Año, Taal Volcano, PETA, PNP, Sec. Eduardo Año, Taal Volcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.