Bagong PAF commanding general, itinalaga ni Pangulong Duterte

May napili ng bagong commanding general ng Philippine Air Force (PAF) si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa katauhan ni Major General Allen Paredes.

Si Paredes ay commander ng Air Logistics Command ng PAF.

Base sa appointment paper na nilagdaan ni Pangulong Duterte, araw ng Miyerkules, January 15, 2020 at ipinamahagi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, magiging epektibo ang pagiging commanding general ni Paredes sa January 17.

Papalitan ni Paredes si Lt. General Rozzano Briguez na magreretiro na.

Nakatakdang isagawa ang change of command sa Philippine Air Force sa PAF Gymnasium sa Pasay City, araw ng Huwebes.

Read more...