outbrain

Christian Bautista, nakiisa na rin sa pagtulong sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal

By Chona Yu January 15, 2020 - 04:56 PM

Nakiisa na rin si Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng pag-alboroto ng Bulkang Taal.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Christian na ang bahagi ng kikitain ng concert na “1 FOR 3 concert” sa Solaire Resort sa February 1, 2020 ay mapupunta sa World Vision kung saan sila na ang mag-aabot ng tulong sa mga nabiktima ng Bulkang Taal.

Bukod dito, sinabi ni Christian na nag-ambagan na rin silang magkakaibigan para makapagpadala ng relief goods sa Huwebes, January 16, sa Batangas.

Ayon kay Christian, bagamat hindi siya ang personal na namamahagi ng relief goods, ang mahalaga ay nakapagbahagi siya ng kanyang blessings.

Ayon pa kay Christian, nakadudurog ng puso na makita ang mga residente na naapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

Makakasama ni Christian sa napipintong concert sina Aicelle Santos at Mark Bautista.

TAGS: 1 FOR 3 concert, Bulkang Taal, Christian Bautista, pag-alboroto ng Bulkang Taal, 1 FOR 3 concert, Bulkang Taal, Christian Bautista, pag-alboroto ng Bulkang Taal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.