Mga bakas ng pagsabog ng Taal volcano, huwag alisin – Phivolcs
Umaapela ang Phivolcs na huwag gagalawin ang mga fissure o mga bitak sa lupa na nakita sa ilang bayan sa Batangas.
Paliwanag ni Phivolcs Director Renato Solidum, malaking tulong kasi ito para sa pagpaplano ng pamahalaan sa paggamit ng lupa lalo para sa paninirahan.
Ayon kay Ma. Antonio Bornas ng Phivolcs, kadalasang inaalis na kaagad ang mga bakas ng mga kalamidad.
Kagaya na lamang umano noong pumutok ang Bulkang Mayon na inalis ang mga bahay na tinamaan ng mga bato na nagsilbing buhay na paalala sa puwersa at panganib sa buhay ng pagputok ng bulkan.
Ang ganitong hakbang umano ay ginagawa ng Japan at iba pang bansa na naglalagay pa ng mga memorial sa mga sakuna na palatandaan sa mga susunod na panahon.
Sinabi pa ni Usec. Solidum na taong 1911 pa unang nakita ang mga fissure mula sa San Nicolas hanggang Tanauan na tumatawid sa Volcano Island at ngayong lumabas ito mula sa nakalipas na mahigit 100 taon ay huwag nang alisin ang tanda at gamiting batayan sa pagpaplano sa lalawigan ng Batangas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.