BFP, tutulong sa clearing ops sa mga apektadong lugar ng pagsabog ng Taal

Tutulong din ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagsasagawa ng clearing operations sa mga lugar na apektado ng abo bunsod ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ipinag-utos na sa BFP na i-deploy ang mga firetruck at asset sa pag-aalis ng mga abo at volcanic debris sa mga apektadong probinsya.

Sa ganitong panahon, dapat aniyang magkaisa ang mga ahensya ng gobyerno para rumesponde.

Sa ngayon, nag-deploy na ang BFP-Calabarzon ng 531 bumbero, 147 firetruck, 39 emergency medical service personnel at siyam na ambulansya.

Ani Año, malaking tulong ang tubig mula sa firetrucks para maalis ang mga putik at abo na hadlang sa paglikas at pagpapadala ng mga tulong sa mga apektadong residente.

Read more...