LOOK: ‘Tala Dance Flash Mob for a Cause’ isasagawa para sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal

Isang dance flash mob for a cause ang inorganisa ng mga fans ni Sarah Geronimo.

Ang “Tala Para sa Taal” dance flash mob ay gagawin sa Luneta Park sa January 18, 2020 ala 1:00 ng hapon.

Lahat ng lalahok sa sabayang pagsayaw ng “Tala” ay magbabayad ng P100 na registration fee.

At ang registration fee ay magsisilbing donasyon sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa ibinahaging impormasyon sa Facebook page na “Popsters Official” inaanyayahan ang lahat na lumahok sa flash mob.

Ayon sa grupo, “Nagsayaw ka na, nakatulong ka pa!”.

Hinihikayat ang mga lalahok na magsuot ng kulay pink na damit.

Read more...