LOOK: Mas marami pang hayop nailigtas mula sa Volcano Island

Mas marami pang hayop na karamihan ay kabayo ang nailigtas mula sa Volcano Island ilang araw matapos ang pagputok ng Bulkang Mayon.

Pinasok ng mga kinatawan mula sa Philippine Pet Birth Control Center Foundation ang Volcano Island sa kabila ng panganib para mailigtas ang mga buhay pang hayop.

Hindi naman nabigo ang grupo dahil marami pa silang nadatnang buhay na kabayo na ang katawan ay balot ng abo.

Tinungo ng grupo ang mga bahay sa isla para tignan kung may mga naiwan pang hayop.

Ang ibang kabayo naman ay nadatnan sa pampang na tila ba naghihintay ng sasagip sa kanila.

Pinakain muna ang mga gutom at uhaw nang mga hayop at pagkatapos ay agad silang isinakay sa bangka at inilayo sa isla.

Maraming kabayo na naiwan sa Volcano Island dahil ito ang ginagamit na pangkabuhayan ng mga residente doon.

Isinasakay sa kabayo ang mga turista na nagtutungo sa Taal Lake.

Read more...