Ilang katao inaresto sa Iran kaugnay sa maling pagpapabagsak sa Ukrainian Airliner

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2020 - 11:30 AM

May mga dinakip na sa Iran na nasa likod ng pagpapabagsak sa Ukrainian Airliner na ikinasawi ng 176 na katao.

Simula nang akuin ng Iran military ang pagkakamali ay nagsagawa na ng mga pagdakip.

Tinawag ni Iran President Hassan Rouhani na “unforgivable error” ang nagyaring pagpapabagsak sa Ukraine International Airlines Flight 752.

Base sa mga lumabas na kuha ng security cameras dalawang missiles ang tumama sa eroplano na 30 segundo lang ang pagitan.

Kabilang sa dinakip ang taong nag-post ng video ng pagtama ng missile sa eroplano at hawak siya ngayayon ng Revolutionary Guards ng Iran.

May iba pang inaakusahang nasa likod din ng pangyayari ang inaresto na ayon sa Iranian judiciary.

TAGS: Bulkang Taal, evacuees, Inquirer News, Iran, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Taal Volcano eruption, Tagalog breaking news, tagalog news website, Ukraine International Airlines Flight 752, Ukrainian Airliner, Bulkang Taal, evacuees, Inquirer News, Iran, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Taal Volcano eruption, Tagalog breaking news, tagalog news website, Ukraine International Airlines Flight 752, Ukrainian Airliner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.