5,000 relief food packs galing Region 5 dadalhin sa Batangas City

Patungo na ng Batangas City ang pitong truck ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para maghatid ng tulong.

Sakay ng limang truck ang 5,000 relief food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region Office 5.

Habang may dalawang truck din na puno ng relief items din mula sa Camarines Norte District Engineering Office (DEO) ng DPWH.

Nauna nang nagpadala ng water truck, flood mitigating equipment at generator sets ang DPWH Central Office sa DPWH Regional Office 5 para madala sa Batangas.

Read more...