Konstruksyon ng slope protection sa Taguig River nakumpleto na ng DPWH
By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2020 - 09:51 AM
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng slope protection sa Taguig River.
Ang nasabing proyekto ay ginastusan ng P279.3 million na layong maprotektahan ang mga residente ng Taguig at Pateros sakaling umapaw ang tubig sa ilog.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar ang itinayong slope protection ang haharang sa tubig-baha.
Natapos ang proyekto sa loob ng anim na buwan.
Bumabaybay ito sa Taguig Bridge, M.L. Quezon Bridge, at Taguig River East and West Bank.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.