Unang batch ng mga Pinoy galing sa Iraq darating sa bansa ngayong araw

Simula na ngayong araw ang repatriation sa mga Pinoy na nasa Iraq.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mayroong 13 Pinoy mula sa Iraq ang darating na sa bansa ngayong hapon (Jan. 15).

Kinabibilangan sila ng dalawang grupo ng mga Pinoy na mula sa Baghdad at sa Erbil.

Ang unang grupo na galing sa Baghdad ay binubuo ng 9 na Pinoy, 2 dito ay menor de edad. Dapat ay kahapon pa sila nakauwi ng Pilipinas pero hinarang sila ng Iraqi immigration officials sa Baghdad International Airport dahil inakusahan sila ng visa fraud.

Ang apat na iba pa ayon sa DFA ay pawang mula naman sa Erbil.

Mula Iraq ay bumiyahe na patungong Doha, Qatar ang mga Pinoy at galing doon ay bibiyahe sila pa-Manila.

Nakataas pa rin ang Alert Level 4 at nagpapatupad ng mandatory repatriation sa mga Filipino sa Iraq.

Read more...