P2.15M na halaga ng tulong naipamahagi na sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal
Umabot na sa P2.15 million ang halaga ng tulong na naipagkaloob sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing halaga ng tulong ay kinabibilangan ng family food packs, read-to-eat food, plastic mats at non-food items.
Direktang ipinagkaloob ng DSWD ang tulong sa mga lokal na pamahalaan na sila namang namahagi sa mga apektadong pamilya.
Ayon sa DSWD ang mga tumanggap na ng tulong ay ang Sto. Tomas City, laurel, Tanauan City, Mataas na Kahoy at Batangas City sa Batangas gayundin ang Alfonso sa Cavite.
Tuluy-tuloy pa ang pamamahagi ng tulong ng DSWD sa mga naapektuhang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.