Sa latest volcano bulletin na inilabas ng Phivolcs alas 8:00 ng umaga ng Miyerkules, Jan. 15 ay mas mahina na ang naitatalang pagsabog sa bulkan,
Ang pagputok nito sa nakalipas na 24 na oras ay nagdulot ng pagbubuga ng dark gray steam-laden plumes na umabot ng hanggang 1000 meters ang taas.
Sinabi rin ng Phivolcs na may nakitang bagong mga bitak sa mga barangay sa Lemery, Agoncillo, at San Nicolas.
Simula noong ala 1:00 ng hapon ng Jan. 12, 2020 ay umabot na sa 466 ang naitatalang volcanic earthquakes ng Phivolcs.
Sa nasabing bilang, 156 ang nakapagtala ng intensities na aabot sa pagitan ng Intensity I hanggang V.
Ayon sa Phivolcs ang nasabing paggalaw ng lupa na sunud-sunod na nararamdaman ay senyales ng patuloy na magmatic intrusion sa loob ng Taal na maaring magresulta sa muling pagsabog nito.
Nananatili sa alert level 4 ang Taal na nangangahulugang maaring magkaroon ng hazardous explosive eruption sa susunod na mga oras o araw.