Babae nahulog sa riles ng LRT-1 matapos mahilo

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2020 - 08:14 AM

Kinumpirma ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) na isang babae ang nahulog sa riles ng tren ng LRT-1 sa bahagi ng Doroteo Jose Stqation.

Ayon kay LRMC Corporate Communications Head Jacqueline Gorospe, alas 6:45 ng umaga ng Miyerkules (Jan. 15) nang isang babaeng pasahero ang nahilo at nahulog mula sa platform.

Ang nasabing insidente ang naging dahilan ng pansamantalang pagkaantala ng biyahe ng LRT-1.

Sinabi ni Gorospe na 24 na minuto na nahinto ang kanilang biyahe.

Dinala naman agad sa ospital ang babaeng pasahero at ngayon ay inoobserbahan na.

Balik naman na sa normal ang operasyon ng LRT-1.

 

TAGS: Inquirer News, Light Rail Manila Corporation, LRMC Corporate Communications Head Jacqueline Gorospe, lrt line 1, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, railways, Tagalog breaking news, tagalog news website, transportation, Inquirer News, Light Rail Manila Corporation, LRMC Corporate Communications Head Jacqueline Gorospe, lrt line 1, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, railways, Tagalog breaking news, tagalog news website, transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.