Paglilinis sa insulators sa mga poste ng Meralco na naapektuhan ng ashfall nagpapatuloy pa
Humingi ng pang-unawa ang Meralco sa mga residente sa ilang lugar sa Batangas at sa Tagaytay na nananatiling walang suplay ng kuryente.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, puspusan ang pagtatrabaho ng mga tauhan ng Meralco upang malinis ang mga naapektuhang insulator na pawang nabalot din ng abo dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.
Bawat poste ay mayroong tatlo o minsan ay higit pa sa tatlong insulator.
At dahil masyadong malawak ang naging pinsala ng ashfall sa maraming bayan sa Batangas, napakaraming insulators ang kailangang linisin.
Ipinaliwanag ni Zaldarriaga na hindi ligtas ibalik ang suplay ng kuryente hangga’t hindi natitiyak na malinis na ang mga insulator.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.