Bilang ng pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal umabot na sa mahigit 10,000

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2020 - 06:17 AM

Umabot na sa 10,455 na pamilya ang naitalang naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) katumbas ito ng mahigit 40,000 indibidwal.

Sa nasabing bilang aabot sa 9,508 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers.

Karamihan sa mga naapektuhang pamilya ay mula sa mga munisipalidad sa Batangas na labis na naapektuhan ng ashfall gaya ng Alitagtag,, Balayan, Bauan, Calaca, Calatagan, Lian, San Pascual, Santo Tomas, Tuy at Batangas City.

Tinatayang namang aabot na sa P577 million ang halaga ng pinsala sa mga pananim na naidulot ng pagputok ng bulkan.

Karamihan sa mga napinsalang pananim ay kape, palay, mais, saging at cacao.

TAGS: kape, mais, NDRRMC, palay, pamilyang naapektuhan ng pagsabog ng taal, saging at cacao., kape, mais, NDRRMC, palay, pamilyang naapektuhan ng pagsabog ng taal, saging at cacao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.