outbrain

Gasolina ng eroplano naibagsak sa playground ng eskwelahan, 17 estudyante ang naospital

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2020 - 06:32 AM

Labingpitong mag-aaral ang dinala sa ospital matapos bumagsak sa school playground ang itinapong fuel ng isang eroplano.

Ayon sa Los Angeles County Fire Department, naamoy ng mga estudyante ang jet fuel sa paaralan.

Agad rumesponde ang hindi bababa sa 70 bumbero at paramedics sa hindi tinukoy na eskwelahan.

Maliban sa 17 estudyante, mayroong 6 pang adults ang dinala sa pagamutan.

Nabatid na palapag sa Los Angeles International Airport ang isang commercial plane nang mangyari ang insidente.

TAGS: fuel dump, Inquirer News, Los Angeles County Fire Department, Los Angeles International Airport, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, fuel dump, Inquirer News, Los Angeles County Fire Department, Los Angeles International Airport, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.