Sunog sumiklab sa Payatas, QC tatlo ang sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2020 - 06:00 AM

Tatlong katao ang nasugatan matapos masunog ang isang residential area sa Payatas Road, Barangay Payatas B sa Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas 2:20 ng madaling araw na umabot sa ikalawang alarma.

Kabilang sa nasunog ang dalawang bahay at isang junk shop na pino ng mga gamit na gawa sa plastik.

Tatlo ang naitalang sugatan sa sunog kabilang ang isa sa mga nakatira sa nasunog na bahay na nakilalang si Cesar Silva.

Nagtamo ng sugat sa braso si Silva at dinala ito sa ospital.

Ayon sa BFP, isang malakas na putok ang narinig ng mga residente mula sa bahay ni Silva na sinundan ng pagsiklab ng apoy.

Inaalam pa kung magkano ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

Naideklarang fire out ang sunog alas 3:28 ng madaling araw.

TAGS: Bureau of Fire Protection (BFP), Payatas QC, sunog, Bureau of Fire Protection (BFP), Payatas QC, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.