M3.8 na lindol tumama sa San Luis, Batangas
Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng San Luis sa lalawigan ng Batangas.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 8 kilometers southwest ng San Luis alas 4:02 ng umaga ng Miyerkules, Jan. 15.
Ayon sa Phivolcs, 13 kilometers ang lalim ng lindol.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Tagaytay City bunsod ng lindol.
Samantala simula alas 12:00 ng hatinggabi ay ilang magkakasunod na volcanic earthquake pa ang naitala sa Batangas.
Kabilang dito ang magnitude 3.6 at 3.7 na lindol na naitala ala 1:32 at alas 3:19 ng madaling araw sa bayan ng Agoncillo.
At magnitude 3.4 sa Lemery, Batangas alas 3:03 ng madaling araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.