Bagong LPA nabuo sa PH sea; nasa silangang bahagi ng Mindanao

Nalusaw na ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA sa bahagi ng Eastern Samar.

Pero ayon sa PAGASA isang panibagong LPA ang nabuo sa karagatan ng bansa.

Huli itong namataan sa layong 410 kilometers east ng Hinatuan Surigao del Sur.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas inaasahang malulusaw din ang naturang LPA sa susunod na 24 na oras.

Sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, ang mga lalawigan ng Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate at Samar Provinces ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa tail end of a cold front.

Ang Cagayan Valley naman, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon at nalalabi pang bahagi ng Bicol Region ay makararanas din ng mahihinang pag-ulan dahil sa Amihan.

Apektado rin ng Amihan ang Batangas at may mararanasan din itong isolated na pag-ulan dahil sa aktibidad ng Bulkang Taal.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay bahagyang maulap na papawirin lamang ang iiral at makararanas din ng isolated na pag-ulan dahil sa Amihan.

Habang fair weather ang mararanasan sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Read more...