Hirap na idinulot ng digmaan, hindi dapat kalimutan
Hinimok ni Japanese Prime Minister Akihito ang mga kabataang Pilipino at Hapon na huwag kalilimutan ang mapait na alaala ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa kanyang mensahe sa state banquet para sa kanya at Empress Michiko sa Malacañang, muling nagpahayag ng kalungkutan si Emperor Akihito sa sinapit ng mga Pilipino at Hapon noong World War II.
Sa pamamagitan ng kanyang press secretary na si Hatsuhisa Takashima, nanawagan si Akihito na hindi dapat kalimutan ang paghihirap na idinulot ng digmaan upang matiyak na hindi na mauulit ang malungkot na pangyayari sa kasaysayan ng dalawang bansa.
Sa kanyang mahigit sa tatlong dekada bilang Emperor ng Japan, naging bahagi na ng hangarin ni Hirohito na umikot sa mga bansang naapektuhan ng giyera upang himukin ang lahat na umiwas sa digmaan.
Nagpupunta rin ang imperial couple sa iba’t-ibang bansa kabilang na ang Pilipinas upang kilalanin at alalahanin ang mga sundalo na namatay at nasugatan noong World War II.
Samantala, sa pagkikita pa rin nina Pangulong Aquino at Emperor Akihito sa state banquet kagabi, ibinida ni Aquino ang pagtangkilik ng mga Pinoy sa mga “Japanese brand” na mga sasakyan sa bansa.
Naging tampok din ng usapan ang pabirong pahayag ni Pangulong Aquino na bumigat ang trapiko sa Metro Manila dahil sa mga sasakyang gawa sa Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.