outbrain

Mga apektadong tulay at kalsada ng pagsabog ng Taal, maaari nang daanan – DPWH

By Angellic Jordan January 14, 2020 - 10:30 PM SHARE(S):

Maaari nang daanan ang lahat ng apektadong tulay at kalsada bunsod ng pag-alboroto ng Bulkang Taal, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa inilabas na abiso ng DPWH Regional Office No. IV-A bandang 12:00 ng tanghali, maaari nang daanan ng mga motorista ang 18 national roads na naapektuhan ng ash fall.

Patuloy naman ang clearing operations sa 16 kalsada.

Aabot sa 449 tauhan ang itinalaga ng kagawaran sa lugar habang 99 equipment ang ginamit sa operasyon.

TAGS: Bulkang Taal, DPWH, DPWH Regional Office No. IV-A, Oplan Taal, Bulkang Taal, DPWH, DPWH Regional Office No. IV-A, Oplan Taal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.