VP Robredo binisita ang mga evacuee sa Batangas

By Angellic Jordan January 14, 2020 - 09:43 PM

Personal na inalam ni Vice President Leni Robredo ang sitwasyon ng mga apektadong residente ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

Binisita ng bise presidente ang mga evacuee sa Batangas partikular sa Sta. Teresita at San Jose.

Ipinamahagi ni Robredo ang mga face mask, tubig at and relief goods bilang tulong sa mga apektadong residente.

Inalam din nito ang iba pang pangangailan ng mga evacuee tulad ng gamot, hygiene kits at portalets.

Nagpasalamat naman ng Office of the Vice President (OVP) sa tulong ng Vice Squad, Scale Experts Inc. at iba pang nag-donate katuwang ang Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership at RAF International Forwarding, Phils para maibigay ang tulong.

Maliban dito, nakipagpulong din si Robredo sa Fernando Air Base sa Lipa para alamin ang sitwasyon sa nasabing probinsya.

TAGS: Batangas, Bulkang Taal, San Jose, Sta. Teresita, VP Leni Robredo, Batangas, Bulkang Taal, San Jose, Sta. Teresita, VP Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.