Ilang bayan sa Batangas patuloy na nakakaramdam ng lindol

Patuloy na nakakaramdan ng mga pagyanig sa probinsya ng Batangas.

Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa bayan ng Laurel bandang 8:35 ng gabi.

Namataan ang episentro nito sa layong 5 kilometers Southwest ng nasabing bayan at 1 kilometer ang lalim.

Niyanig naman ng magnitude 3 na lindol ang San Nicolas at Agoncillo.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng magkahiwalay na lindol sa layong 6 kilometers Northeast ng San Nicolas bandang 7:06 ng gabi habang sa 3 kilometers Northeast ng Agoncillo dakong 7:41 ng gabi.

Volcanic ang dahilan ng tatlong pagyanig.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang mga pagyanig.

Read more...