VP Binay, nakibahagi sa state banquet sa Malacañang

By Jay Dones January 28, 2016 - 04:24 AM

 

binay akihitoSa kauna-unahang pagkakataon makaraang humiwalay sa gabinete ni Pangulong Aquino, muling umapak sa Malacañang si Vice President Jejomar Binay.

Kabilang si Binay sa mga opisyal ng gobyerno na malugod na tinanggap sina Japanese Emperoro Akihito at Empress Micihiko sa pamamagitan ng state banquet na pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Si Pangulong Aquino ang nagpakilala kay Binay kina Emperor Akihito at Empress Michiko sa kasagsagan ng okasyon.

Matatandaang naghiwalay ng landas sina Aquino at Binay makaraang kumalas ito bilang kasapi ng gabinete noong nakaraang taon.

Simula noon, binatikos na ni Binay ang ang ilang mga proyekto ng pamahalaan.

Binatikos din ni Binay ang partisipasyon ni Pangulong Aquino sa pumalpak na Mamasapano incident.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.