Umano’y NPA member, patay sa engkwentro sa Camarines Norte; Isang sundalo, sugatan
Nasawi ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa Camarines Norte, Martes ng umaga.
Ayon kay Police. Maj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, naganap ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng grupo sa bahagi ng Barangay Submakin pasado 6:00 ng umaga.
Nagpapatrolya aniya ang mga sundalo nang biglang makaengkwentro ang mga rebelde.
Tumagal nang 45 minuto ang palitan ng putok ng dalawang panig.
Dahil dito, isang sundalo ang nasugatan.
Narekober ang bangkay ng hindi pa nakikilalang rebelde sa pinangyarihan ng bakbakan.
Naaresto naman ang anim na iba pang rebelde sa ikinasang pursuit operation kasunod ng engkwentro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.