Abo ng Bulkang Taal, posibleng magdulot ng problema sa waterwaste – DENR
Inihayag ng Department on Environment and Natural Resources (DENR) na posibleng magdulot ang abo mula sa Bulkang Taal ng problema sa waterwaste.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na ito ang nakikita nilang problema lalo na sa mga manhole sa nararanasang phreatic eruption ng Bulkang Taal.
Paliwanag nito, nakaranas kasi ng pag-ulan kasabay ng ash fall.
Bunsod nito, posible aniyang mag-solidify ang sediments dahilan para mahirapang linisin ang mga abo.
Sinabi pa ni Antiporda na hindi malabong magkaroon ng bara na posibleng maging problema sa mga susunod na araw tulad ng pagbabaha at iba pa.
Dahil dito, pinayuhan ni Antiporda ang publiko na ipunin ang mga mawawalis o makukuhang abo sa isang lugar na hindi makakaabala sa gitna ng kalsada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.