Maritime patrol ng PCG sa Taal Lake, patuloy pa rin

Photo grab from DOTr’s Facebook video

Patuloy pa rin ang isinasagawang maritime patrol ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Taal Lake.

Ayon sa PCG, layon nitong mabigyang-babala ang mga mangingisda ukol nagpapatuloy na phreatic eruption ng Bulkang Taal.

Muling hinikayat ang mga residente sa Batangas na huwag munang bumalik sa kani-kanilang tahanan.

Maliban din, pinayuhan din ang mga mangingisda na huwag munang kumuha ng mga isda sa lugar bunsod ng ibinubugang abo ng bulkan.

Maaari kasi itong magdulot ng panganib sa mga residente sa lugar.

Read more...