Si Senador Grace Poe ang uupo at haharap sa mga mamamahayag na makikilahok sa Meet Inquier Multimedia forum ngayong araw.
Ito na ang ika-limang pagkakataon na isasagawa ang ‘Meet Inquirer’ kung saan ang mga iniimbitahang bisita ay haharap sa mga mamahayag na kasapi ng iba’t-ibang news platforms na nasa ilalim ng Inquirer Group.
Inaasahang magiging tampok sa mga katanungang sasagutin ni Senador Poe ay may kinalaman sa kanyang kinakaharap na disqualification case sa pagtakbo sa May elections at ang Mamasapano investigation.
Bukod sa mga katanungang maaring ipukol ng mga mamahayag, mga editors at columnist ng Inqurier news platfroms, maari ring magtanong ang mga netizens gamit ang social media.
Ipapalabas ‘live’ via streaming ang ‘Meet Inquirer’ multimedia forum sa inquirer.net at isasahimpapawid dakong alas 7:00 ng gabi sa Radyo Inquirer 990 khz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.