Ito ay matapos makansela ang ilang flights dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Charo Logarta, tagapagsalita ng Cebu Pacific, na nalinis at na-inspeksyon na ang lahat ng eroplano na naapektuhan o nalagyan ng abo na ibinuga ng bulkan.
Inaasahan aniyang makalilipad na sa Miyerkules o sa susunod na dalawang araw ang lahat ng mga pasahero na na-stranded o naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.
Tiniyak naman ni Logarta na makakukuha ng full refund o maaring mai-rebook ang ticket ng mga pasahero nang walang penalty na pipiliing hindi na muna bumiyahe o ayaw makisabay sa bugso ng mga pasahero sa airport.
MOST READ
LATEST STORIES