Immunization at fumigation program sa evacuation centers, isinasagawa ng DOH – NDRRMC
May ginagawa nang immunization program at fumigation ang Department of Health (DOH) sa mga evacuation center kung saan nananatili ang mga apektadong residente bunsod ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesman Mark Timbal na ang hakbang na ito ay para hindi na magkahawaan ang mga evacuee sa mga sakit na maaring makuha dahil sa abo na ibinuga ng bulkan.
Sa ngayon, sapat naman aniya ang suplay ng gamot at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga evacuee at hindi pa kailangan ang mga foreign aid.
Naging maagap aniya ang DOH at agad na nag-deploy ng emergency medical team.
Iniiwasan aniya ng DOH na may atakihin sa mga evacuee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.