outbrain

Apela ni Mayor Amo, isara muna ang mga kalsada sa Laurel, Batangas

By Chona Yu January 14, 2020 - 03:53 PM SHARE(S):

Umaapela si Laurel, Batangas mayor Joan Amo sa mga awtoridad na isara na muna ang mga kalsada.

Ito ay para hindi makabalik sa kani-kanilang tahanan ang mga evacuee na nagsusumikap na makabalik para mailigtas ang mga natitirang ari-arian at mga alagang hayop.

Pakisaup ni Amo sa mga awtoridad, huwag nang hayaang makabalik sa kani-kanilang tahanan ang mga evacuee.

Ayon kay Amo, bagamat tahimik ang Bulkang Taal, masyado pa ring peligroso na bumalik sa kani-kanilang tahanan dahil hindi pa ibinababa ang alert level.

Sa ngayon, maayos naman ang kalagayan ng mga evacuee na nananatili sa mga evacuation center.

TAGS: Batangas, Bulkang Taal, laurel, Mayor Joan Amo, Batangas, Bulkang Taal, laurel, Mayor Joan Amo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.