outbrain

Pinsala sa Batangas bunsod ng pagsabog ng Taal, maliit lamang

By Chona Yu January 14, 2020 - 03:45 PM

Maliit lamang ang damage ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Batangas governor Hermilando “Dodo” Mandanas na ito ay dahil sa matagal nang napaghandaan ng lokal na pamahalaan at ng mga residente ang pag-aalburuto ng bulkan.

Katunayan, sinabi ni Nandanas na wala sa mga residente ang nasawi o nasugatan dahil sa mabilis na nailikas.

Nagpapasalamat naman si Mandanas sa mga tumulong sa mga apektadong residente.

Partikular na pinasasalamatan ni Mandanas si Pampanga governor Dennis Pineda na dumating sa Batangas, Martes ng madaling-araw, bitbit ang ilang truck ng relief goods at engineer.

TAGS: Batangas, Bulkang Taal, Gov. Dodo Mandanas, Gov. Hermilando “Dodo” Mandanas, pagsabog ng Bulkang Taal, Batangas, Bulkang Taal, Gov. Dodo Mandanas, Gov. Hermilando “Dodo” Mandanas, pagsabog ng Bulkang Taal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.