PCG, tinanggap ang 600 N95 face masks at food packs na donasyon ng China

Nag-donate ang China ng nasa 600 piraso ng N95 face masks at food packs.

Ito ay bunsod ng nararanasang phreatic eruption sa Bulkang Taal.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), tinanggap ang mga nasabing face mask mula sa China Coast Guard (CCG) lulan ng CCG Vessel 5204, Martes ng umaga.

Ipapadala ang mga mask at food pack sa mga apektadong lugar sa probinsya ng Batangas.

Read more...