DOH, nagbabala sa publiko na huwag kainin ang mga isda mula sa Taal Lake
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag bumili at kainin ang mga isda na galing sa Taal Lake at malapit sa probinsya ng Batangas.
Sa isang press briefing, sinabi ni DOH Assistant Secretary Ma. Francia Laxamana na hindi na dapat bumili ng mga isda sa nasabing lawa para sa kaligtasan ng publiko.
Namatay kasi aniya ang mga isda bunsod ng sulfur o anumang uri ng keminal mula sa ibinugang abo ng Bulkang Taal.
Kung makakain ng anumang uri ng isda mula sa bahagi ng Taal at Batangas, dapat aniyang bantayan ang mga mararamdamang simtomas.
Kabilang na rito ang pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae.
Payo ni Laxamana, agad i-rehydrate at bantayan nang mabuti ang sitwasyon ng pasyente.
Sa huling abiso ng Phivolcs bandan 1:00 ng hapon, nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.