outbrain

Sunog sumiklab sa canteen sa loob ng GMA network sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2020 - 12:36 PM SHARE(S):

Sumiklab ang sunog sa compound ng GMA 7 sa Kamuning, Quezon City.

Ayon sa Quezon City Fire Bureau, nagsimula ang sunog sa loob ng isang canteen na nasa GMA compound.

Alas 11:31 ng umaga nang magsimula ang apoy na agad itinaas sa unang alarma.

Pero agad namang itong naapula alas 11:45 ng umaga.

Inaalam pa kung ano ang naging dahilan ng pagsiklab ng apoy sa canteen.

Pinalabas din ang mga empleyado ng GMA network habang inaapula ng apoy.

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, canteen, fire incident, gma network, Inquirer News, PH news, Philippine News, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, canteen, fire incident, gma network, Inquirer News, PH news, Philippine News, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.