Sa isinagawang pagdinig ng House of Representatives, ipinanukala ng isang mambabatas sa Committee on Metro Manila Development na sa halip na gibain ang ilang palapag ng Torre de Manila, mas magiging madali umano kung ipipihit na lamang ang bantayog ni Dr. Jose Rizal.
Ang nagpanukala ay si Congressman Amado Bagatsing na aniya ay maituturing na “win-win solution” sa kontrobersiya sa Torre de Manila. Kung pipihitin aniya ang monumento ni Rizal, hindi na nito magiging background ang Torre de Manila.
Matapos itong ipinakula ni Bagatsing ilang mambabatas ang natawa, pero ayon Kay Bagatsing, hindi siya nagbibiro.
Tinanong pa ni Bagatsing ang National Historical Commission of the Philippines kung ano bang “historical basis” ng pagharap ni monumento ni Rizal sa Manila Bay.
Ayon kay Bagatsing sa mga napag-aralan sa “history” hinggil sa pagbaril kay Rizal sa Luneta noong 1896, umikot ito at humarap sa firing squad nang siya ay barilin.
Pero ayon sa NCCA, isang “foolish proposal” ang panukala na ito ni Bagatsing.
Ayon kay NCCA legal counsel Atty. Trixie Cruz-Angeles, kung papayagan nila ang panukala ng kongresista ay sisirain na rin nila ang nasabing “historical shrine” para lamang mapagbigyan ang kasakiman ng developer ng Torre de Manila./ Isa Avendaño-Umali