outbrain

LOOK: Sitwasyon sa Brgy. Buso-Buso, Laurel, Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2020 - 12:22 PM SHARE(S):

Makapal na abo ang nasa bubungan ng mga bahay sa Barangay Buso-Buso sa Laurel, Batangas.

Ang mga puno at halaman sa naturang barangay balot na rin ng abo at putik.

Sa mga larawang kuha ng Radyo Inquirer, kita ang matinding pinsala na naidulot ng pagputok ng Bulkang Taal sa Laurel.

Ang putik na nakatabon sa kalsada ay halos 12 inches ang kapal.

May mga bahay din na luma at gawa sa light materials ang bumagsak na.

Sinamantala naman ng ilang residente ang pagganda ng panahon ngayong araw para linisin at alisin ang makapal na abo na tumabon sa kanilang bubong.

TAGS: ashfall, Breaking News in the Philippines, Bulkang Taal, Inquirer News, laurel batangas, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano eruption, Tagalog breaking news, tagalog news website, ashfall, Breaking News in the Philippines, Bulkang Taal, Inquirer News, laurel batangas, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano eruption, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.