Sa inilabas na abiso ng airline company, naging normal na ang kanilang mga biyahe paalis at pabalik ng NAIA matapos ang ilang oras na pagsasara ng paliparan simula Linggo ng gabi dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon sa Cebu Pacific ang mga pasahero na naapektuhan ng pagkansela ng mga flight ay maaring i-manage ang kanilang booking sa pamamagitan ng Cebu Pacific website.
Libre ang rebooking sa loob ng susunod na 30 araw.
Pwede ring hilingin ng mga pasahero na mairefund ang kanilang ibinayad sa tickets o kaya ay mailagay ang halaga sa Travel Fund para magamit sa susunod nilang biyahe.
Nagpasalamat ang Cebu Pacific sa mga pasahero sa kanilang pang-unawa.