WATCH: Sitwasyon sa bayan ng Agoncillo sa Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas January 14, 2020 - 11:06 AM

Napasok ng Radyo Inquirer ang bayan ng Agoncillo sa lalawigan ng Batangas na isa sa mga munisipalidad sa lalawigan na labis na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Bawal na ang mga residente sa Agoncillo at wala nang makikitang tao sa town proper maging sa Municipal Hall.

Tanging ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang naiiwan sa Agoncillo para maglinis ng makakapal na abo at putik sa kalsada.

May mangilan-ngilan ding residente ang bumabalik para kumuha ng damit pero hindi sila pinapayagang magtagal.

TAGS: agoncillo batangas, ashfall, Breaking News in the Philippines, Bulkang Taal, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, agoncillo batangas, ashfall, Breaking News in the Philippines, Bulkang Taal, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.